ulat ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo
Nanawagan ng pagkakaisa si Kalibo Mayor William Lachica sa kanyang mensahe sa pagdiriwang ng ika-119 Araw ng Kasarilan ng bansa.
Ayon kay Lachica, sa mga nararanasan na problema ng bansa kabilang na ang nagpapatutloy na bakbakan sa Marawi City, mahalaga na magtulungan ang bawat isa para sa pagbabago.
Ibinigay ng alkalde ang kanyang mensahe sa maiksing program sa Pastrana Park na dinaluhan ng mga opisyal at empleyado ng lokal na pamahalaan at iba pang organisasyon.
Ang paggunita ay nagsimula sa isang misa ng pasasalamat sa St. John the Baptist cathedral saka sinundan ng pagmartsa ng bandila ng Pilipinas.
Pinangunahan naman ng Deparment of Education – Aklan chorale ang pag-awit ng Lupang Hinirang habang pinangunahan naman ni mayor Lachica ang pagtataas ng watawat.
Ang alkalde rin ang nanguna sa pagbigkas ng panunumpa sa watawat ng Pilipinas.
Kabilang rin sa mga dumalo sa nasabing aktibidad ang Philippine Army, mga kapulisan, XIX martyrs lodge #342 mason, municipal disaster risk reduction management office, Naval ROTC, Philippine coastguard at Knights of Columbus.
No comments:
Post a Comment