Thursday, September 22, 2016

Principal na nakabundol sa 3 bata sa Ibajay, kinasuhan na

Ni Darwin Tapayan, Energy FM 107.7 Kalibo

Sinampahan na ng kaso ang prinsipal na nakabundol sa tatlong bata sa Brgy. Naisud, Ibajay.

Ayon sa imbestigador na si PO1 George Regalado, isang kaso ng reckless imprudence resulting to homicide at dalawang kaso ng reckless imprudence resulting to serious physical injury ang isinampa sa suspek na kinilalang si Auradora Tabal ng Ibajay.

Napag-alaman sa imbestigasyon ng pulisya na mariing itinanggi ng prinsipal na tinakasan niya ang mga naaksidente.

Iginiit ng suspek na lingid umano sa kanyang kaalaman na may nabundol ito nitong Sabado, dakong alas-10:00 ng gabi. Anya, nakaramdam lamang ito na binato ang kanyang sasakyan at hindi na ito inusisa at sa halip
atan ang magkakapatid na Abby, 8, at Christian Jake, 14. Nabundol at tumilapon ang mga ito habang sakay ng bisikleta.

Samantala, nagbayad agad ng P30,000.00 na piyansa ang suspek para sa pansamantala nitong kalayaan. Naka-impound naman sa himpilan ng Ibajay PNP ang van na nakabundol sa mga bata.

No comments:

Post a Comment