APRUBADO NA sa ikatlomg pagbasa ng Senado sa ngayong araw ang paghati sa dalawang distrito ng probinsiya ng Aklan.
Ito ang malugod na inanunsiyo ni Aklan lone district representative Cong. Carlito Marquez.
Mismong ang kongresista ang nag-akda ng House Bill no. 7522 o An Act Reapportioning the Province of Aklan into Two Legislative Districts.
Sa nasabing panukalang batas na, ang unang distrito ay binubuo ng mga bayan ng Altavas, Batan, Balete, Banga, Kalibo, New Washington, Libacao, at Madalag.
Ang ikalawang distrito naman ay binubuo ng mga bayan ng Buruanga, Ibajay, Lezo, Makato, Malay, Malinao, Nabas, Numancia, at Tangalan.
Lalagdaan pa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing House Bill bago maging ganap na batas.
Kumpyansa si Marquez na magiging ganap na batas ang redistricting ng Aklan bago ang paghahain ng kandidatura ng mga tatakbo sa eleksiyon sa Oktubre.
Ang pagkakaron ng dalawang distrito sa Aklan ay magdodoble ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) bawat taon para sa aprobinsiya.##
- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment