MAHIGPIT NANG ipapatupad ng pamahalaang lokal ng Malay ang paglilimita sa paggamit ng mga plastic sa Isla ng Boracay at sa buong bayan.
Inanunsiyo ni Mayor Ceciron Cawaling sa inilabas na official video na sa Setyembre 1 ay sisimulan na ang mahigpit na pagpapatupad ng lokal na ordinansa kaugnay rito.
Ipinagbabawal sa Ordinance No. 320 series 2012 ang paggamit at pagbebenta ng plastic bag sa mga dry goods, at bawasan ang paggamit nito sa mga wet goods. Ipagbabawal rin ang paggamit ng styrofoam.
Samantalang hinihikayat sa lokal na batas ang paggamit ng mga reusable bags, woven bags, cloth bags, paper bags, at iba pa na gawa sa mga biodegradable materials.
Papatawan ang mga lalabag mula Php1,000 hanggang Php2,500 penalidad o pagkakulong ng isa hanggang anim na buwan.
Posible namang ikansela ang operasyon ng mga establisyementong lalabag sa batas na ito.
Mensahe niya, "Iwasan po natin ang maging pasaway at sundin po natin ang batas ng bayan... para mabawasan ang basura sa Isla at para makatulong sa kalikasan."##
- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment