INIHAHANDA NA ng kapulisan ang kasong isasampa sa mga suspek sa panghuhold-up sa Brgy. Feleciano, Balete hapon ng Miyerkules.
Ayon kay PInsp. Lizel Goboy, hepe ng Balete Municipal Police Station, sa ilalim parin ng 72 oras na hot pursuit operation ang mga suspek.
Kinilala ang mga biktima na sina Almer Emblarinag, 34-anyos na taga-Antique, at Jonard Pacheco, 41, na taga-Iloilo.
Bagaman nakikilala ng mga biktima ang mga suspek, tumanggi muna ang hepe ng kapulisan na pangalanan ang mga ito habang tinutugis pa nila.
Tinutukan umano ng baril ng isa sa mga tatlong suspek ang dalawang biktima habang nasa loob ng van at pinagpapalo ng isa pa ang mga biktima gamit ang maso.
Natangay ng mga suspek ang Php228,000 halaga ng pera habang nagtamo ng malubhang sugat sa ulo ang mga biktima at patuloy na ginagamot sa pribadong ospital.
Kasong roberry hold-up ang ihahain laban sa tatlong suspek at dagdag kaso oras na lumabas na ang mga mediko legal ng mga biktima.
Nakipag-ugnayan na umano ang kapulisan sa pamilya ng mga suspek maliban sa mga pamamaraan nila para mahuli ang mga ito.
Humihingi naman ng kooperasyon ang hepe sa taumbayan na ipaalam sa kanila ang anumang impormasyon sa mabilis na ikadarakip ng mga suspek.
Samantala, ipinangako ni PInsp Goboy na maglalabas na sila ng mga pangalan at mga larawan ng mga suspek sa publiko kapag natapos na ang reglamentary period.##
- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment