© Kagawad Nicky Boy Cahilig |
Ayon kay Comelec-Aklan spokeperson Dodoy Gerardo na nakarating na umano sa kanilang tanggapan ang mga sentimyentong ito at maging sila ay nais malaman kung saan galing ang impormasyong ito.
Nais umano nilang makumpirma sa kinauukulan ang impormasyon. Hihilingin rin umano nila na magbigay ng pahayag ang kinauukulan kaugnay sa isyung ito para magkaroon ng kapanatagan ang mga worker.
Masakit rin umano sa kanyang loob ang personal na naobserbahan sa sitwasyon ng mga nagpaparehistro sa Malay na pumipila sa ilalim ng matinding sikat ng araw at minsan ay ulan.
Aniya inaabot pa ng gabi ang marami sa kanila at desperadong makaparehistro dahil sa takot na kung hindi makapagparehistro ay posibleng hindi sila makatrabaho at mapaalis sa Isla.
Aminado siya na mabagal ang kanilang proseso sa Comelec-Malay dahil sa iisa lamang ang ginagamit na machine para sa pagpaparehistro. Dahil dito humihingi siya ng paumanhin at pag-unawa.
Nilimitahan umano nila sa 200 katao ang pwedeng magparehistro sa isang araw. Binibigyan nila ng numero ang mga nakapila na at pinababalik kinabukasan.
Ayon kay Gerardo hanggang alas-3:00 nalang umano ang paglilista nila ng mga magpaparehistro bukas sa mga nasa bisinidad na ng Comelec.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy Fm 107.7 Kalibo
No comments:
Post a Comment