Wednesday, August 29, 2018

BATANG NAMATAY UMANO SA BAKUNA SA ESKWELAHAN SA MAKATO NAKATAKDANG I-OTOPSIYA

photo © Energy File
NAKATAKDANG I-OTOPSIYA ang bangkay ni Kent Nadal para malaman kung ito ba ay nabakunahan.

Mababatid na humihingi ng hustiya ang pamilya ng Grade 7 student sa paniniwalang namatay ito dahil sa bakuna.

Naninindigan ang mga magulang ng bata na mismong si Kent umano ang nagsabi sa kanila na siya ay nabukunahan noong Agosto 13.

Ito ay sa kasagsagan umano ng school-based immunization program ng gobyerno kung saan binabakunahan ng MR at TD ang mga bata.

Nilagnat umano ang bata at naconfine sa ospital at pagdating ng Agosto 19 ay binawian ito ng buhay.

Sa isang pulong balitaan araw ng Martes, nanindigan ang Provincial Health Office na base sa kanilang imbestigasyon hindi nabakunahan ang bata.

Giit ni Dr. Cornelio Cuachon ng PHO wala umano sa listahan ng batang nabakunahan sa Makato Integrated School si Kent.

Sa kabila nito sumisimpatiya umano ang Health Office sa pamilya. Umaasa rin siya na ang resulta ng otopsiya ay magbibigay ng linaw sa insidente.

Ang paaralan at ang mga Health Office ng munisipyo at ng probinsiya ay naghahanap ng paraan na makatulong sa paraan na hindi ito mamimis-interpret.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment