Umaalma ngayon ang ilang mga tricycle driver sa Kalibo na pinagbayad ng munisipyo para sa lamination ng bagong fare matrix pero walang resibo.
Nabatid na nasa isang linggo nang nangungolekta ng Php25.00 ang Sangguniang Bayan ng Kalibo sa mga tricycle drivers na kumukuha ng bagong taripa.
Libre umano ang kopya ng taripa at ang babayaran lamang ay ang lamination.
Sinubukan ng Energy FM Kalibo na kunan ng pahayag ang treasurer ng munisipyo umaga ng Biyernes pero abala pa umano ito sa isang pagpupulong.
Ayon sa OIC secretary ng Sanggunian na si Artemio Arrieta, ngayon pa lang umano sila maglalabas ng resibo.
Wala pang impormasyon kung ang mga nakabayad na ng Php25.00 ay bibigyan pa nila ng resibo. | EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment