Wednesday, August 01, 2018

PAGHATI SA AKLAN SA DALAWANG DISTRITO APRUBADO NA SA SENATE COMMITTEE

Binalita ni Aklan lone district representative Carlito Marquez araw ng Miyerkules na inaprubahan na ng senate committee ang paghati sa Aklan sa dalawang distrito.

Sa pangunguna ni Sen. Sonny Angara, inaprubahan ng Senate Committee on Local Government ang House Bill no. 7522 or An Act Reapportioning the Province of Aklan into Two (2) Legislative Districts na inihain ni Cong. Marquez.

Mababid sa nasabing panukalang batas, ang unang distrito ay binubuo ng mga bayan ng Altavas, Batan, Balete, Banga, Kalibo, New Washington, Libacao, at Madalag.

Ang ikalawang distrito naman ay binubuo ng mga bayan ng Buruanga, Ibajay, Lezo, Makato, Malay, Malinao, Nabas, Numancia, at Tangalan.

Sa kabilang banda, sinabi ni Aklan board member Nolly Sodusta, isa sa mga dumalo sa pagdinig ng Senate Committee, nangako umano si Sen. Angara na mamadaliin ang pag-apruba nito para maging ganap na batas.
Ayon pa sa SP member, hindi umano tutol sina Sen. Tito Sotto, Panfilo Lacson at Miguel Zubiri sa nasabing panukala.

Dumalo rin sa pagdinig sa Senado si Aklan Gov. Florencio Miraflores. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment