Monday, July 30, 2018

ISYU SA BORACAY SUMENTRO SA STATE OF THE PROVINCE ADDRESS NI GOV. MIRAFLORES

Kagaya ng inaasahan isa sa mga sumentro sa State of the Province Address (SOPA) ni Aklan Gov. Joeben Miraflores ang isyung kinakaharap ng Isla ng Boracay.

Muli niyang sinabi na hindi ito ang panahon para magsisihan. "I say again this time with the closure of Boracay that losing focus has no place and there is no point to finger point."

Sinabi pa ng gobernador na mahalaga ngayon ang tumulong sa rehabilitasyon sa Isla. "Our time for public service has no room for naysayers and that we go straight to business of talking and acting on rehabilitation."

Ipinagmalaki niya ang mga naitulong ng probinsiya sa rehabilitasyon ng Boracay kagaya ng pag-de-clog ng mga darinage canal at pagtunton ng mga illegal pipes.

Ang probinsiya rin umano ang nag-initiate sa reactivation ng Material Recovery Facility sa Brgy. Balabag at nagdonate ng mini-dump truck para dito.

Ibinalita rin niya na tumulong rin ang probinsiya sa mga clearing operations sa kalsada at sa easement sa beach area ng Bulabog.

Kumpyansa si Miraflores na mabubuksan ang Boracay pagkatapos ng anim na buwang rehabilitasyon nito o sa Oktubre 26.

Iniulat niya rin ang kapansin-pansing pagbabago ng kalidad ng tubig sa paligid ng Isla. Aasahan na aniya ang maayos at malinis na Boracay sa pagbubukas nito.

Pinahayag ng gobernador na napagaan umano nila ang epekto ng pagsasara ng Boracay sa operasyon ng mga ospital ng pamahalaang probinsiyal.

Kinukuha umano ngayon ang pondo sa operasyon ng mga ospital mula sa 120 milyon na naipon ng probinsiya mula sa general fund.

Malaking tulong rin umano ang consignment system ng Aklan sa pagbili ng mga gamot at iba pang medical supplies. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment