Sa susunod na linggo ay sisimulan na ang konstruksiyon ng gusali ng bagong Land Transportation Office sa Sitio Bacolod, Brgy. Caticlan, Malay.
Ngayong araw ng Sabado ay isang ground breaking ceremony ang isinagawa sa lugar at posibleng matapos bago magbukas ang Isla ng Boracay.
Sa kanyang mensahe sinabi ni LTO asst. regional director Gaudioso Geduspan na ang bagong LTO office ay tugon ng gobyerno sa dumaraming nangangailangan ng kanilang serbisyo.
"We are bringing government services malapit sa tao... Closer to the people of Malay, closer to the people of Nabas, closer to the people of Aklan, and closer to the people also of Antique and Boracay," sabi ni Geduspan.
Ayon naman kay Cong. Carlito Marquez, ang proyekto ay bunga ng pagsisikap ng kanyang administrasyon noon na makahanap ng loteng pagtatayuan ng LTO.
Ang 1,200 sq meters ng lupa ay idinonate ng TPW (Traje-Panado-Wacan) Group Inc. at sila narin ang magpapatayo ng gusali na uupahan ng gobyerno.
Sinabi ni Atty. Rey Traje ng TPW na posibleng matapos ang konstrukyson bago magbukas ang Boracay sa October 26.
Pareho umano ang serbisyong ilalaan ng bagong LTO office sa LTO office sa Kalibo. Ang pribadong grupo ay magtatayo rin umano ng smoke immission test center sa lugar. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment