Isang bahay sa Brgy. Magallanes sa bayan ng Nabas ang naabu sa sunog madaling araw ng Linggo.
Ayon kay FO1 Carlo Masagnay, imbestigador ng Bureau of Fire Protection - Ibajay, wala umanong tao sa bahay nang maganap ang sunog.
Pagmamay-ari ito ni Danilo Gado, chief tanod ng Brgy. Manocmanoc, Malay. Nasa Isla umano siya ng Boracay kasama ang ibang miyembro ng pamilya.
Dahil gawa sa mga light materials, mabilis na nilamon ng apoy ang bahay. Ayon sa may-ari tinatayang Php100,000 ang pinsalang dulot ng sunog.
Ayon sa imbestigador tinatayang umabot sa isa at kalahating oras bago tuluyang naapula ang apoy.
Sinabi ng may-ari na bagong gawa lamang ang bahay. Nag-iwan umano ito sa kanila ang pinsalang aabot ng Php100,000.
Hindi pa tiyak kung ano ang sanhi ng sunog pero isa sa tinitingnang anggulo ng imbestigador ay ang hindi maayos na instulasyon ng linya ng kuryente sa loob ng bahay.
Patuloy ang imbestigasyon ng BFP-Ibajay na nakakasakop sa Nabas hinggil sa nasabing insidente. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment