Wednesday, August 01, 2018

LALAKI ARESTADO SA ISLA NG BORACAY MATAPOS MAHULIHAN NG BARIL AT KUTSILYO

Isang lalaki ang inaresto ng kapulisan sa Isla ng Boracay matapos mahulihan ng baril at kutsilyo.

Kinilala sa report ng Boracay PNP ang suspek na si Don Visca Salvador, 35-anyos, tubong Sta. Fe, Romblon at residente ng So. Malabunot, Brgy. Manoc-manoc, Malay.

Ayon sa kapulisan, inireklamo umano ang suspek matapos magpakita ng baril sa kanyang mga kapitbahay habang umiinom.

Agad rumesponde ang mga tauhan ng Boracay PNP at naabutan nila ang suspek sa labas ng bahay na umiinom at nakitaan ng baril na nakasukbit sa kanyang baywang.

Nang usisain na umano ng PNP ay itinapon niya sa lupa ang baril na isang Smith and Wesson 357 Magnum revolver laman ang anim na live ammunition.

Nasabat ng kapulisan ang baril at mga ammunition. Walang maipakitang mga kaukulang dokumento ang suspek sa kapulisan. Nasabat rin mula sa kanya ang isang kutsilyo.

Inaresto siya at pansamatalang ikinulong sa Boracay PNP Substation at posibleng sampahan ng kasong paglabag sa RA 10591 at BP 6. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment