Thursday, August 02, 2018

MOTORISTA SA NABAS NABUNDOL NG TRUCK, PATAY

Patay ang isang 28-anyos na lalaki sa bayan ng Nabas matapos mabundol ng rumaragasang dump truck hapon ng Miyerkules sa national highway ng Brgy. Rizal.

Kinilala ni PO2 Melvin Alba, imbestigador ng Nabas PNP, ang biktima na si Elgern Torres, tubong Caloocan at kasalukuyang residente nang nabanggit na barangay.

Binabaybay umano ng biktima ang kahabaan ng national highway sakay sa kanyang motorsiklo nang pagdating sa kurbdang bahagi ay nabundol siya ng kasalubong na truck.

Tumilapon umano ang biktima at kinaladkad pa ng truck ng nasa 20 talampakan ang kanyang motorsiklo.

Isinugod ng mga residente ang biktima sa Baptist Hospital sa Malay pero idineklara rin ng doktor na wala nang buhay dahil sa malubhang sugat sa ulo at sa iba pang bahagi ng katawan.

Inaresto naman ng kapulisan ang driver ng truck na si Jesus Belontidos, 25-anyos, ng Brgy. Rizal, Ibajay at posibleng sampahan ng kaukulang kaso. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment