Dawit si Aklan Board Member Nolly Sodusta sa mga kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Department of Justice (DOJ) dahil sa paglabag sa environmental laws sa Boracay.
Base sa report kabilang si Sodusta sa mga stockholders at mga may-ari ng Boracay Tanawin Resorts na sinampahan ng NBI ng kaso.
Kabilang din siya at ang kanyang asawa na si Angels Sodusta sa mga incorporators at board of directors ng Denichi Boracay Corporation na kinasuhan din ng NBI.
Sa panayam ng Energy FM Kalibo, sinabi ni Sodusta na handa umano niyang sagutin ang kaso. Giit niya, unclassified pa ang mga lugar noon nang itayo ang mga resort na nabanggit bago idineklara itong forestland area.
Kinasuhan din ang mga stockholders/owners ng Boracay Island West Cove Management Philippines, mga stockholders/officers ng Correos International Incorporated Internacional Inc. at ng Seven Seas Boracay Properties Inc.
Kasong paglabag sa Revised Forestry Code of the Philippines, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at paglabag sa Local Government Code of 1991 ang isinampa laban sa naturang respondents. | EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment