Nagsampa ng panibagong kaso ang National Bureau of Investigation (NBI) Environmental Crime Division Department of Justice (DOJ) kaugnay ng krisis sa kalikasan na kinakaharap ng Isla ng Boracay.
Ang sinampahan ngayong araw ng Byernes ay ang Yooringa Corporation, may-ari ng Karuna Boracay Suites sa Bgy. Balabag, Isla ng Boracay, Malay.
Ito na ang ikaanim na isinampa ng Task Force Boracay ng NBI sa paglabag sa Revised Forestry Code, Anti-Graft and Corrupt Practices Act, at Local Government Code. Ang unang limang kaso ay isinampa araw ng Huwebes.
Narito naman ang mga sangkot na mga government officials:
*Malay, Aklan Mayor Ceciron Cawaling;
* former Mayor John Yap;
* former Aklan Provincial Assessor Enrique Claudio;
* former Aklan Provincial Assessor Vicente Teodocio;
* former Aklan Provincial Assistant Assessor Ramon Panagsagan;
* former Aklan Provincial Assessor Milagros Azarcon;
* present Aklan Provincial Assessor Kokoy Suguilon;
* Malay Municipal Assessor Erlinda Casimero; at
* Malay Municipal Zoning Administrator Alma Belejerdo.
Ayon sa report ng ABS-CBN, sinabi ng NBI na ang kaso ng mga respondents ay “continuing… since 1999.” Nabatid na nakatayo sa forest land ang nasabing resort.
Una nang sinampahan ang Correos Internacionale, Boracay Island West Cove Management Philippines, Denichi Boracay Corporation, Seven Seas Boracay Properties, at Boracay Tanawin Properties. | EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment