Inaprubahan na ng Sangguniang Bayan sa ikatlo at huling pagbasa ang ordinansa na nagtatakda ng taas-pasahe sa mga tricycle sa Kalibo ngayong Huwebes sa kanilang regular session.
Nakasaad sa ordinansa ang dalawang pisong taas-pasahe sa kasulukuyang regular na pamasahe.
Halimbawa, sa Poblacion, Kalibo mula sa pitong piso ay magiging siyam na piso na ang pamasahe.
May 20 porsiyento namang diskwento ang mga senior citizens, persons with disabilities at mga estudyante.
Isinama rin sa ordinansa ang mga presyo ng pamasahe sa mga Sitio sa mga barangay sa Kalibo base sa napagkasunduan ng mga tao at mga tricycle driver at mga operator.
Nilinaw naman ni Vice Mayor Madeline Regalado, regular presiding officer ng Sanggunian, na magiging epektibo lamang ang taas-pasahe kapag napirmahan na ng alkalde ang ordenansa at kapag lumabas na ang mga taripa.
Matatandaan na nag-ugat ang panukalang ito nang sumulat sa Sanggunian ang asosasyon ng mga tricycle sa Kalibo Marso ngayong taon na taasan ang pamasahe. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment