Tuesday, July 17, 2018

ANTHONY NABOR UMUPO BILANG BAGONG KINATAWAN NG LIGA NG MGA BARANGAY SA SANGGUNIANG PANLALAWIGAN

Si Anthony Nabor, punong barangay ng Alaminos, Madalag ang pansamantalang umupo bilang ex-officio member ng Sangguniang Panlalawigan ng Aklan para kumatawan sa Liga ng mga Barangay sa Pilipinas.

Sa regular session ng Sanggunian araw ng Lunes ay pormal nang naupo sa pwesto si Nabor. Nahalal siya bilang interim president ng Liga, Aklan Chapter.

Ibinoto siya ng apat  na miyembro ng board of directors na sila nalang natitira sa Liga matapos muling maihalal na mga punong barangay noong Mayo.

Si Nabor ay incumbent president ng Liga sa bayan ng Madalag simula noong 2013. Siya ay incumbent na miyembro ng board of directors ng Liga, Aklan Chapter bago siya nahalal na presidente rito.

Mababatid na nabakante ni dating ex-officio member, ABC president Rey Tolentino ang pwesto sa SP-Aklan.

Sa Hulyo 30 ay pormal na maghahalal ang mga presidente ng Liga sa 17 munisipyo ng presidente nila sa buong probinsiya. Ang mapipili ang regular na uupo bilang ex-officio member sa SP./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment