Wednesday, July 18, 2018

GOBERNOR NG AKLAN AT ASAWA NAHAHARAP SA KASO KRIMINAL DAHIL SA MAANOMALYANG SALN

Nahaharap ngayon sa apat na paglabag ang gobernador ng Aklan na si Florencio “Joeben” Miraflores sa Sandiganbayan Second Division dahil sa maanumaliyang deklarasyon sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Sinampahan siya ng mga paglabag sa Section 8 of R.A. 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees kasama ang kanyang asawa na si dating Ibajay Mayor Ma. Lourdes Martin Miraflores base sa charge sheets na isinampa ni Graft Investigation and Prosecution Officer III Rachel T. Cariaga-Favila.

Mababatid na ang mag-asawang Miraflores ay nabigo na ideklara sa kanilang 2006, 2007, 2008 at 2010 SALN ang ilang ari-arian kabilang ang kanilang P6,160,000 investments sa Rural Bank of Ibajay, Inc., isang Isuzu Elf (RDJ867), isang Mazda pick-up (FCW954), isang Nissan Safari wagon with plate number TTF447, at isang Kawasaki motorcycle ( 062810).

Kabuuang Php120,000 ang itiakdang pyansa sa kanila o Php30,000 per breach of conduct charge.

Sa ilalim ng Section 8 of R.A. No. 6713, “public officials and employees have an obligation to accomplish and submit declarations under oath of, and the public has the right to know, their assets, liabilities, net worth and financial and business interests including those of their spouses and of unmarried children under eighteen (18) years of age living in their households.”/ source: Manila Bulletin

No comments:

Post a Comment