Ito ang pagtatanghal ng Pascua sa Malinao Festival na ipinakita sa pagbisita ng Aliw Award Foundation Inc. sa bayan ng Malinao araw ng Lunes.
Ito ay pagtatanghal ng Artisano Dance Troupe ng Malinao School for Philippine Craftsmen sa pangunguna ni Jomer Protacio.
Ang dance troupe ay kabilang sa Aklan Performing Arts Network (APAN) na pinarangalan bilang Best Cultural Group sa 30th Aliw Awards noong nakaraang taon.
Lingid sa kaalaman ng iba, ang Pascua sa Malinao ay taunang pagdiriwang ng bayan tuwing Disyembre na inoorganisa ng pamahalaang lokal at ng parokya.
Ang mga bisita ay mainit na sinalubong ng mga opisyal ng bayan sa pangunguna ni Mayor Ariel Igoy.
Isang maikling programa rin ang ginawa ng pamahalaang lokal kung saan ipinakita rito ang mayamang kasaysayan at kultura ng Malinao.
Ang Aliw Award screening committee ay naglilibot sa buong Panay para makahanap ng inonominate para sa iba-ibang mga parangal.
Ang grupo ay binubuo nina Luciano "Sonny" Valencia, Frank Rivera at Danilo Salcedo. Si Peter Macrohon isang Aliw awardee at siya ring artistic director ng APAN ang nagfacilitate sa pagbisita ng grupo sa probinsiya.
Ang Aliw Award ay parangal sa mga natatanging pagtatanghal kagaya ng theatre, opera, dance, live vocal at instrumental shows. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo
photos © Jeff Darvin Igoy Repedro
No comments:
Post a Comment