Friday, July 20, 2018

LAHAT NG ECC SA BORACAY SINUSPINDE NG DENR

Sinuspinde ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang lahat ng environmental compliance certificates (ECC) ng lahat ng business establishments sa Isla ng Boracay.

Alinsunod ito sa Memorandum Circular 2018-08 na nilagdaan ni Environment Secretary Roy Cimatu. Ayon sa kanya, ang hakbang ay para bigyang-daan ang pagrereview ng compliance sa mga environmental laws sa Isla.

Inatasan na ni Cimatu ang Environmental Management Bureau (EMB) office sa Region 6 (Western Visayas) na patuloy na imonitor ang lahat ng mga establisyemento sa Boracay para masigurong hindi ito lalabag sa mga environmental laws.

Ayon sa report ng Manila Bulletin, ang deadline sa pagsusumite ng mga kaukulang dukomento para malift ang suspension ng ECC ay sa Agosto 15.

Pwede umanong isumite ito sa National Task Force sa Casa Pilar Resort Boracay. Ang mga bagong permit ay ilalabas ng tanggapan bago o sa mismong sa Setyembre 15.

Isang committee na binubuo ng mga tauhan ng DENR, EMB and Mines and Geosciences Bureau (MGB) ang magrereview sa lahat ng mga establishment.

Una nang sinabi ni Sec. Cimatu na sa Oktubre 26 ay bubuksan na ang Isla ng Boracay idinagdag na tanging ang mga compliants lamang ang papayagan mag-operate. | EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment