photo: SP-Aklan |
Ito ay bahagi ng speech ng opisyal sa kanilang inaugural session nitong Lunes. "Because once we are dictated by our political affiliation we cannot dispense with justice and truth," giit niya.
Nanawagan rin ang abogadong board member sa gobyerno probinsiyal na maging patas ang benipisyong ibinibigay sa bawat miyembro ng Sanggunian.
Aniya, kung ano mang benipisyo ang ini-enjoy ng karamihan sa Sanggunian ay dapat rin aniyang ibigay sa maynoriya.
Mababatid na una nang ipinahayag ni Sucgang sa Energy FM Kalibo na siya at ang incumbent Board Member na si Immanuel Sodusta ay hindi binigyan ng pondo ni Governor Joeben Miraflores noong nakaraang termino.
Si Sucgang at Sodusta ay parehong tumakbo kontra sa grupo ni Gov. Miraflores.
Ang regular presiding officer ng Sanggunian na si Vice Governor Reynaldo Quimpo at ang natitira sa mga board member ay tumakbong kasama ni Miraflores.
Sa kabilang banda, pinasiguro ni Sucgang sa taumbayan na maglilingkod ito ng may katapatan at integridad.
Binigyang-diin naman ni Board Member Sodusta sa kanyang mensahe sa inaugural session ang kahalagahan ng maynoriya sa Sanggunian.
Si Sucgang ay nahalal bilang chairman ng Committee on Human Rights habang si Sodusta ay nahalal bilang chairman ng Committee on Labor and Employement, mga komitiba na hinawakan rin nila noong nakaraang termino.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment