Monday, February 11, 2019

Grab planong mag-operate sa Kalibo; Sangguniang Bayan pinag-aaralan ang proposal

background photo by Kas Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo
PLANO NGAYON ng Grab Visayas na mag-operate sa bayan ng Kalibo. Sa report ni Kasimanwang Joel Nadura, batay ito sa sulat na ipinadala ng kompaniya kay Mayor William Lachica.

Isa sa mga serbisyo ng Grab ay ang GrabTaxi na isang “smartphone-based taxi booking and dispatching service.” Layunin umano ng kanilang serbisyo “to revamp the Philippines’ taxi industry, making it a safer and more efficient means of transport.”

Ang sulat mula kay Jonathan Papa, Business and Development Expansion Manager, ay inindorso ng alkalde sa Sangguniang Bayan para sa kaukulang aksiyon.

Napagkasunduan ng Sanggunian sa kanilang session na magsagawa ng isang pampublikong pagdinig. Ipapatawag umano rito ang mga tricycle at taxi driver at operator, at mga commuter para hingin ang kanilang panig.

Sa panayam ng Energy FM Kalibo kay Konsehal Dr. Daisy Briones, vice chairman ng Committee on Transportation, sinabi nito na ito ay banta sa mga tricycle drivers dahil sa ilang mga reklamo sa kanila.

Sa kabila nito sinabi ni Briones na nag-aalala parin sila sa magiging epekto ng posibleng pagpasok ng GrabTaxi sa Kalibo sa kabuhayan ng mga tricycle driver at operator dito.


Hindi pa malinaw kung ang operasyn ng Grab ay sa kabiserang bayan lang o sa alinmang bahagi ng probinsiya ng Aklan.##

No comments:

Post a Comment