Wednesday, February 13, 2019

Publiko pinag-iingat sa blue bottle jellyfish sa baybayin ng Boracay

hindi aktwal na larawan / mula sa SBS.com
PINAG-IINGAT NGAYON ng pamahalaang lokal ng Malay ang publiko sa paglitaw ng blue bottle jellyfish sa Isla ng Boracay.

Ito ay matapos namataan ng Municipal Environment and Natural Resources Office (MENRO) ang naturang uri ng jellyfish na napadpad sa Eastern Coast ng Boracay sa Puka Beach.

Nabatid na ang blue bottle jellyfish ay nakakalason at maaari umanong makapatay ng mga isda at minsan ay nakakamamatay sa tao. Masakit ito kung makadikit sa tao.

Bagaman wala namang namataan na ganitong uri ng jellyfish sa front beach nag-apela parin ang Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office sa kanilang inilabas na advisory na maging maingat.

"Never touch these creatures as their stingers are still active even if they are out of the water," saad sa public advisory. "If stung by this creature, kindly approach our deployed Life Guards along the beach."

Wala namang pagbabawal sa paliligo sa Puka Beach at sa tabing-baybayin sa Eastern coast ng Isla.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment