Monday, February 11, 2019

Comelec Aklan nakahanda na para sa Oplan Baklas kontra sa mga iligal na posters


NAKAHANDA NA ang Commission on Election (Comelec) - Aklan sa pagbaklas sa mga iligal na poster na nakakabit sa mga ipinagbabawal na lugar.

Ayon kay Comelec - Aklan spokeperson na si Atty. Rommel Benliro, simula Pebrero 12 ay aarangkada na ang Oplan Baklas kasabay ng unang araw ng campaign period para sa mga national candidates.

Sinabi ni Benliro sa isang press conference  nitong Biyernes na papayagan lamang ang paglalagay ng mga poster sa mga common poster area na inilabas ng Comelec - Aklan.

Ipinagbabawal umano ang pagkakabit ng mga ito sa mga gusali at mga sasakyan ng pagmamay-ari ng gobyerno pati na ang mga pampublikong terminal, mga kahoy, at maging mga pribadong lugar na walang pahintulot sa may-ari.

Sa inilabas na notice ni Comelec Chairman James Jimenez binalaan niya ang mga kandidato na alisin ang mga iligal nilang poster sa 72 oras bago ang pagsisimula ng campaign period.

Ang maximum poster ng mga kandidato ay 2 ft x 3 ft. Kailangan rin aniyang nakasaad ang sino ang nagbayad ng materyal at adres gaya ng isinasaad sa Comelec Resolution 10488.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment