photo Kas Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo |
INARESTO NG kapulisan ang isang Canadian National makaraang manlaban sa isang auxiliary police na sumita sa kanya sa pag-ihi sa beach sa Boracay.
Kinilala sa ulat ng Malay PNP ang suspel na si Russel Medhi, 49-anyos, single, at kasalukuyang nakatira sa nasabing Isla.
Naganap ang insidente kagabi sa front beach sa Brgy. Balabag kagabi, Lunes nang sitahin ng nag-iikot ng grupo ng Malay Auxiliary Police ang foreigner.
Ayon kay Cherry Galleno, 36, miyembro ng MAP, ipinaaalam umano niya sa foreigner ang paglabag nito sa municipal ordinance nang kuwestiyunin ng banyaga ang kanyang otoridad.
Hinanapan umano siya ng foriegner ng ID bagay na kanya namang ipinakita. Nagalit umano ang Canadian, hinablot ang cellphone ng miyembro ng MAP at itinulak.
Dinala sa police station ang suspek at pansamantalang ikinulong.
Isasailalim siya sa inquest proceeding ngayong araw para sa sampahan ng kasong Disobedience Upon Agent of Person in Authority.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment