Tuesday, September 11, 2018

SUSTAINABLE RURAL DEVELOPMENT MAKAKAMIT GAMIT ANG ELEKTRISIDAD AYON KAY NEA ADMINISTRATOR EDGARDO R. MASONGSONG

“Hinahangad ng gobyerno na makamtan ang rural development…. gamitin natin ang elektrisidad para lumago ang kabuhayan ng bawat pamilyang Pilipino. Ang pangarap ng NEA, “A dynamic and responsive NEA that is a vanguard of sustainable rural development in partnership with globally competitive electric cooperatives and empowered electricity consumers.” Kailangan makamit natin ang sustainable rural development sa pamamagitan ng partnership ng NEA, electric cooperative, at kayo mga member consumer owners.”

Vision, pangarap, gabay sa daang tinatahak, dito umikot ang mensahe ng naging panauhing pandangal ng AKELCO , NEA Administrator Edgardo R. Masongsong sa nakalipas na 35th Annual General Membership Assembly noong September 1, 2018. Sa kanyang mensahe, namulat ang mahigit labing-pitong libong member-consumer-owners na dumalo sa kahalagahan ng rural electrification program ng gobyerno kasama ang NEA at mga electric cooperatives na nagsimula pa sa panunungkulan ng dating Presidente Ferdinad Marcos at pinagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan. Napukaw rin ang kamalayan ng mga tagapakinig sa mahalagang papel ng NEA at mga electric cooperatives kabilang na ang AKELCO sa pagsakatuparan ng rural electrification program.

“Nag-umpisa po ako sa rural electrtification program sa electric cooperative dito po sa AKELCO. AKELCO actually made me the administrator of the National Electrification Administration. Kung hindi po ako nakasama para ayusin ang AKELCO baka hindi po ako naging administrator sa ngayon.”

Malinaw na naisalarawan ni Admin. Masongsong ang daang tinatahak ng gobyerno sa ngayon at eto ay patungo sa sustainable rural development kasama ang NEA at mga electric cooperatives-na upang makamit kailangang makilahok ang mga member-consumer-owners. Ang bagong Vision ng National Electrification Administration sa ngayon na naglalaman ng mahalagang direksiyon patungkol sa sustainable rural development ay pinagsikapang buuin ng buong kawani ng NEA sa ilalim ng kanyang paggabay.

“Maganda ngayon na nagkakaisa ang mga electric cooperatives…kahit lang sa karatula. Lahat ng EC’s ngayon na 121pare pareho ang signage. Sana mangyari rin na may pare-parehong uniporme sa suporta ng mga electric cooperatives“, aniya. Sa pagsasaayos ni NEA Admin. Masongsong na pagkaisahin ang lahat na electric cooperatives kasama sa pag-organisa ng mga allied organizations, kaniya ring binigyang diin ang kahalagahan ng empowerment o pakikilahok ng mga member-consumer-owners sa lahat ng gawain ng kooperatiba. Kaniyang ipinaalam na may kilusang binuo para sa mga member-consumer-owner noong April 26, 2017 na tinawag na NCEECO National Center of the Electric Cooperative Consumers.

“Kailangan ma-educate, maorganisa tayo, kailangan ma-empower, kailangan ma-enhance, maging in able, mag-engage.” Kaniyang ring ipinaalam ang pagsagawa ng National Headquarters sa Tarlac. Magtatayo rin ng ECCO Bank o Electric Coop. Consumer-Owned Bank sa tulong ng REFC (Rural Electrification Finance Corporation)tulong sa mga electricity consumers sa paghahanda sa cash-less society na Pilipinas sa ilang taon na darating Sa pagtatapos ng kanyang mensahe, inimbitahan ni Amin. Masongsong ang lahat na maging kasapi ng NCEECO-na maging kaparti ng kilusan sa pagsakatuparan ng minimithing pangarap.##

- Akelco

No comments:

Post a Comment