IKINAGULAT NI Senator Cynthia Villar na nabawasan pa sa halip na madagdagan ang bilang ng mga establisyemento sa Boracay ang itinuturing na enviromental compliant na.
Sa deliberasyon para sa hinihinging P24.417 billion budget ng DENR para sa susunod na taon tinanong ni Villar ang ahensya kung nadagdagan na ang 30% compliance ng mga establisyemento sa Boracay para sa pagbubukas ng isla sa October 26.
Si Environmental Usec. Jonas Leanos ang sumagot at sinabi nito na umaabot sa 2,300 ang bilang ng mga establisyemento sa Boracay kung saan 180 pa lamang ang full compliant sa kanila.
Dahil dito nagulat ang senadora dahil noon sa pagdinig sa Boracay isyu sinabi ng DENR na 30% na ang compliance subalit ngayon ay lumalabas lamang na 7.8 % kaya’t malinaw na bumaba pa.
Pagtitiyak naman ni Environment Sec. Roy Cimatu na bago ang pagbubukas ng isla ng Boracay makakapag-comply na ang lahat ng negosyo sa Boracay.
Ngunit duda dito si Villar dahil 44 araw na lamang ang nalalabi para sa muling pagbubukas ng Boracay sa publiko at may binabalak pa ang DENR na dry run sa Oktubre 18.##
- Radyo Inquirer
No comments:
Post a Comment