Wednesday, September 12, 2018

CONSTRUCTION NG POBLACION-MAGUGBA BRIDGE SA LIBACAO ISINUSULONG

ISINUSULONG NGAYON ng pamahalaang lokal ng Libacao ang pagtatato ng tulay na mag-uugnay sa mga barangay ng Poblacion at Magugba sa kanilang bayan.

Ayon kay Libacao Vice Mayor Vincent Navarosa bumisita umano siya sa MalacaƱang at personal niyang nakausap si Special Assistant to the President Bong Go kaugnay rito.

Mababatid na matagal nang hiling ng mga tao ang pagkakaroon ng nasabing tulay na mag-uugnay sa halos kalahati ng bayan sa town proper.

Iginiit ng bise alkalde na nananatiling mahirap ang bayan ng Libacao sa buong rehiyon dahil sa suliraning ito kung saan 11 sa 24 na mga barangay ay nahiwalay dahil sa Aklan river.

Isinaad pa niya na wala pa kahit ni isa mang tulay na nag-uugnay sa kalahati ng bayan. Mababatid na gumagamit ng balsa at bangka ang mga taga-Libacao para makatawid na dahilan umano ng ilang mga aksidente.

Pinasiguro umano sa kanya ni SAP Bon Go na prayoridad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtatayo ng nabanggit na tulay kagaya ng nakapaloob sa National Infrastructure Program.

"Finally, our people will have an equal fighting chance to fight poverty. ito ang Tunay na biyaya ng pagbabago," sabi ni Vice Mayor Navarosa.

Samantala, maliban sa proposal sa konstruksiyon ng tulay isinusulong rin ng pamahalaang lokal ng Libacao ang pagtatayo ng revetment wall na magpopoprotekta sa Brgy. Magugba.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment