Wednesday, July 11, 2018

TATLO ARESTADO SA BAYAN NG TANGALAN DAHIL SA PAGLABAG SA CHAINSAW ACT

photo © Shutterstock
Inaresto ng kapulisan ang tatlong lalaki sa Brgy. Tondog, Tangalan dahil sa paglabag sa Republic Act 9175 o Chainsaw Act of 2002 araw ng Linggo.

Ang isa ay nahuli ng mga otoridad sa pamamagitan ng checkpoint sakay sa kanyang motorsiklo karga ang chainsaw. Kinilala ang driver na si Rimmy Perez, 39-anyos, ng Culasi, Antique.

Dadalhin umano sana niya ang chainsaw sa Kalibo para ipaayos pero nang hanapan na siya ng kapulisan ng kaukulang dokumento ay wala itong maipakita.

Ang dalawa naman ay nahuli dahil sa reklamo ng pamumutol ng kahoy. Hinuli ng mga kapulisan sa magkahiwalay na lugar sa nabanggit na barangay sina Emelio Aguelo, 50, ng Poblacion, Tangalan at Isidro Lamsin, 29, ng Brgy. Pudiot sa parehong bayan.

Wala ring maipakitang dokumento ang dalawa para mag-operate ng chainsaw.

Sinailalim na sa inquest proceeding ang tatlo at nahaharap sa paglabag sa sec. 7, para. 4 ng RA 9175. Php36,000 bawat isa ang itinakda ng korte para sa kanilang pansamantalang kalayaan./ Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment