Sunday, July 08, 2018

DOLE SEC. BELLO: SIMPLEHAN ANG REQUIREMENT SA ASSISTANCE PARA SA MGA AFFECTED BORACAY WORKERS

Pinasisimplehan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III ang requirement para sa pag-avail ng Adjustment Measure Program (AMP) para sa mga displaced worker sa Isla ng Boracay.

Napuna kasi ng kalihim na dahil sa dami ng requirements ay kaunti palang ang nakakavail ng programa.

Ayon sa report ng Kagawaran, na nasa 20 libo na mga rehistradong manggagawa sa formal workers ay kalahati palang ang nakakaavail ng integrated assistance package.

Kaugnay rito sinabi niya sa isang presscon ngayong araw ng Linggo na dapat anya ay barangay ID sa Boracay at employment certificate lang ang requirement. Ang planong ito ay posible anyang idaan pa sa department order.

Naisa rin niya na sa halip na cash card ay pera na agad ang ibigay sa mga benepisaryo.

Hinikayat ni Bello ang iba pang mga displaced worker sa formal sector na mag-avail ng financial assistance fund para sa kanila.

Ang mga affected workers na bumalik na sa kanilang mga bayan o probinsiya ay maaari umanong magsumite ng aplikasyon sa pinakamalapit na tanggapan ng DOLE. | via Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment