Sunday, July 08, 2018

SWIMMING NG MGA EUROPEAN YOUTH DELEGATES SA BORACAY IIMBESTIGAHAN NG DENR

photo © Lemuel Santiago
Iimbestigahan ngayon ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ulat na 30-minute swimming activity ng nasa 21 delegates ng Genfest International sa Boracay nitong Miyerkules.

“We assure you that we will look into this, and determine if there’s any breach on the protocol set by the Boracay Inter-agency Task Force,” pahayag ni DENR Undersecretary and Deputy spokesperson Benny Antiporda.

Ayon sa report na nakarating sa DENR ang Aklan provincial police umano ang nagbigay ng pahintulot sa mga European delegates para maligo sa front beach ng Station 1 sa Isla kasunod ng request ng festival organizers matapos dumaan sa mahigpit na screening.

Iginiit pa ni Antiporda na base sa guidlines ng inter-agency task force, ang swimming ay papayagan lamang sa mga residente na sa Station 1 at sa Angol beach mula 6am hanggang 5pm.

Pansamantalang isipinasara ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Isla sa mga turista simula Abril 26 para bigyang-daan ang anim na buwang palugit para sa rehabilitasyon nito. | Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment