Thursday, July 12, 2018

PHP3-B HALAGA NG TULAY PLANONG ITAYO SA BORACAY PATAWID NG CATICLAN

Isang unsolicited proposal sa pamahalaan ang isinumite ng San Miguel Corp. (SMC) para sa isang Php3-billion bridge na magkokonekta sa Isla ng Boracay at Caticlan.

Ayon sa report, sinabi ng San Miguel president na si Ramon Ang na malaking tulong ang tulay na ito para madecongest at malinisan ang Boracay.

Kapag naaprubahan umano ito ng gobyerno, matatapos ng San Miguel ang konstruksyon sa loob ng dalawang taon.

May haba umano itong 1.9km, konkreto at mataas para makadaan ang barko sa ilalim.

Sinabi pa ni Ang na aabot pa ng 12 hanggang 15 taon bago mabawi ng kompanya ang nagasta nila dito.

Kikita umano sila sa pamamagitan ng toll fees na kokolektahin sa mga behikulo at mga pedestrians, access fees sa mga utilities kagaya ng sewage pipe, water pipe, power lines at telecommunications lines. | EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment