MAY PANAWAGAN ang opisyal ng Philippine Chamber of Commerce
and Industry (PCCI) – Aklan sa mga kumakandidato sa pagkagobernador kaugnay ng
isyu sa mahinang suplay ng tubig ng Metro Kalibo Water District (MKWD)
Sa ginanap na joint committee hearing sa Sangguniang
Panlalawigan nitong Martes sinabi ni Jose Mari Aldicoa, Vice President ng
PCCI-Aklan, sa mga miyembro ng komitiba na iboboto nila ang kandidato na
pipiliin ang kanilang nominee para kumatawan sa business sector ng MKWD.
Ikinadisdismaya ng grupo na sa 18 taon ay wala umanong napili
sa kanilang organisasyon gayong palagi naman silang nagsusumite ng nominee nila
sa tanggapan ng gobernador bilang appointing authority.
“We can approach any of the gubernatorial candidates and say
promise us that our nominees will be appointed [as board of director of MKWD]
and we will campaign for you,” pahayag ni Aldecoa.
“I think we have at least 5,000 registered voters including relatives
of our employees who can help the election of any such gubernatorial candidate.
Okay ba yon? Kasi for the first time then business sector will be truly
represented which never happened.”
Pangiti namang sumagot si Vice Governor Reynaldo Quimpo na
presente sa naturang pagdinig at sinabi niyang maaari itong iparating ng kanilang grupo sa mga kandidato at maiintindihan umano nila ito.
Ayon kay Ramil Buncalan, presidente ng organisasyon, sa
parehong pagdinig, ang pagkakaroon ng kinatawan mula sa kanilang grupo bilang
rehistradong business organization sa Kalibo at sa buong Aklan ay para aniya
makatulong rin sa paglutas sa problemang ito na kinahaharap ng MKWD.
Umaasa sila na sa susunod na administrasyon ay mapipili ang kanilang nominee sa MKWD board.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment