Wednesday, March 13, 2019

Sunflower farm sa Ibajay palalawakin, pagagandahin

photo Joesol Jazz Aragon
KALIBO, AKLAN - Dinarayo ngayon araw-araw sa probinsiya ng Aklan ang sunflower farm sa Sitio Agbaliw, Brgy. San Jose, Ibajay kasunod ng pagviral nito sa social media.

Ayon kay Jesry Maquirang, may-ari ng farm, hindi umano niya inakala na dadagsain ito ng mga lokal at maging ng mga banyaga.

photo Joesol Jazz Aragon
Katunayan nitong Linggo mahigit isang 1800 ang bumisita sa kanyang farm. Humihingi siya ng paumanhin sa mga bisita dahil sa kakulangan pa ng pasilidad doon gaya ng comfort room.

Sinabi niya na di pa sila nangongolekta ngayon ng entrance fee sa halip ay donasyon lamang para gamitin sa pagpapanitili sa lugar at sa sunflower.

Galing pa umano sa bansang Japan ang mga sunflower na ito na Japanese at American Giant variety.

Paliwanag ni Maquirang sa panayam ng Energy FM Kalibo, nagsimula lamang siya sa pagtatanim ng sunflower para mapaganda ang lugar papunta sa kanilang silk cocoon production.

Si Maquirang ay isang sericulture technician consultant ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) sa ilalim ng Department of Agriculture.

Miyembro siya ng Ibajay Sericulture Farmer's Association. Naisip umano niya na pagandahin ang lugar para sa  mga bumibisita nilang department head mula sa DA at sa Department of Trade and Industry.

Kaugnay rito naghahanda ngayon ang grupo ni Maquirang na mas pa nilang pagagandahin at palalawakin ang nasabing farm mula sa sangkapat lamang na ektarya at para bigyan ng komportableng pasyalan.

photo Joesol Jazz Aragon
"May amon nga preparasyon April, May, o June nga panamion pa gid namon [ro sunflower farm]. Tamnan pa gid namon it abu nga sunflower dahil naila t-a gali ro mga Aklanon ag maging sa region 6," sabi niya.

Nagpapasalamat rin siya sa mga guro at estudaynte ng Naisud National High School na tumulong sa paglandscape sa lugar.

Nabatid na nagsimulang maging viral ang sunflower farm matapos isang guro ng nasabing paaralan sabi niya ay nagpost ng mga larawan nito sa facebook.

Nakikipag-ugnayan ngayon si Maquirang sa lokal na pamahalaan para ma-develop ang lugar bilang isang agri-farm tourist area.

Hinikayat naman niya ang mga nais pa na pumunta hanggang Abril dahil matatapos na ang pamumulak ng mga sunnflower. Pwede aniyang pumunta doon tuwing alas-8:00 ng umaga haggang alas-5:00 ng hapon Lunes hanggang Linggo.

Maliban sa sunflower farm, atraksiyon din dito ang wind mill at ang silk cocoon production.##

- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo







No comments:

Post a Comment