Saturday, March 16, 2019
Ostrich farm sa bayan ng Kalibo bagong atraksiyon sa Aklan
KALIBO, AKLAN - Nagiging atraksiyon ngayon sa lalawigan ng Aklan ang isang ostrich farm sa Brgy. New Buwsang, Kalibo.
Ayon sa may-ari at negosyanteng si Ramon Dio, may 23 siyang malalaking ostrich na inaalagaan maliban pa sa mga sisiw.
Nasa isang taon narin umano siyang nag-aalaga ng ostrich dito. Nagsimula lamang umano siya sa dalawa.
Ngayong dumarami na ito at nagiging atraksiyon na sa mga Aklanon at iba pa nais niyang ilipat ito ng mas malawak na lugar.
May nag-aalok umano ng lupa sa kanya doon sa Brgy. Caticlan, Malay pero nais din niya na sa malapit o nasa Kalibo lamang.
Nanawagan siya sa mga interesadong magpagamit ng kanilang lupa para maging komportable naman sa publiko at mga alaga niya.
Aniya hindi niya ibinibenta ang mga malalaking ostrich. Ibinibenta umano niya ang mga itlog at mga sisiw.
Maliban sa mga ostrich makikita rin sa kanyang bakuran ang iba pang mga hayop gaya ng civet cat, ilang uri ng parrot, mga uri ng uso, at peacock.
Ang kanilang farm ngayon ay sa harap lamang ng Camp Pastor Martelino. Wala pa umanong entrance sa ngayon at naniningil lamang sila sa gustong magpakain ng mga ostrich.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment