NAHAHARAP NGAYON sa kasong paglabag sa Republic Act 7610 ang isang 36-anyos matapos siyang akusahan ng panghihipo sa menor de edad niyang pinsan.
Naganap ang insidente madaling araw ng Marso 9 sa bahay ng 14-anyos na biktima sa Brgy. Mantiguib, Makato.
Napag-alaman na taga-Brgy. Aranas, Balete ang suspek. Nakipag-inuman ito sa bahay ng kanyang tiyo sa Makato na ama ng biktima.
Dahil inabutan ng gabi at nasa impluwensiya na ng alak ay doon na natulog sa bahay ng biktima ang suspek.
Ginapang umano ng suspek ang natutulog na biktima at pinisil ang dibdib. Nagising ang biktima at sumigaw. Nagising rin ang iba pang miyembro ng pamilya at nagsumbong ang biktima.
Batay sa reklamo na inihain ng Makato PNP laban sa suspek nakasaad na nagdulot ng takot, at kawalan-dangal, at 'psychological distress. '
Agad nagsumbong sa kapulisan ang pamilya ng biktima at inaresto ng kapulisan ang suspek.
Kahapon ay sinampahan na ng kasong paglabag sa RA 7610 o "Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act."##
- Kasimanwang Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment