[Update] ISANG AKLANON sa Dubai ang nagpamalas ng katapatan nang magsauli ito ng bag na naiwan ng isang Armanian National sa pinagtratrabuhang coffee shop laman ang mahigit Php350,000.
Si Ralph Gregor Mopia ay tubong Ibao, Lezo at nasa apat na taon nang nagtratrabaho abroad. Baresta siya ngayon sa Caribou Coffee sa nasabing bansa.
Kasalukuyan siyang nasa trabaho nang mapansin niya ang bag na naiwan sa outside dining area ng coffee shop. Kinuha niya ito at ibinigay sa kanilang manager saka binuksan.
Kalaunan ay tumawag umano ang may-ari at nagtanong kung nandoon sa kanilang shop ang kaniyang bag. Binalikan ito kalaunan ng may-ari na si Artur Hayrapetyan na regular na pala nilang kostumer.
Laman ng bag ang 24,500 Dirham o pera ng UAE o katumabas ng nasa 357,500 Pesos. Kasama rin sa bag ang cellphone at passport ng may-ari kaya gayon nalang ang kanyang pasasalamat sa Aklanon.
Dahil sa katapatan na ipinamalas niya sa trabaho ay binigyan siya ng reward ng kanyang kompanya.
"Bisan pobre basta may intigridad para ikapabugae ako sang asawa ag mga unga," mensahe niya sa isang chat conversation sa Energy FM Kalibo. "Eabi gid do mga taga-Ibao, Lezo ag ang mga pamilya una, taga-Aklan ag bilog nga Pilipino."
Nabatid na ang kanyang misis na si Cristina ay nagtratrabaho rin sa Dubai sa ibang coffee shop. Ang mag-asawa ay may dalawang anak na nag-aaral sa Kalibo Pilot Elementary School at sa Aklan Catholic College.
Si Kasimanwang Ralph ay dati nang nagtrabaho noon bilang nursing attendant sa Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital saka naging lineman sa Aklan Electric Cooperative.
"Proud Aklanon da. Nagapasalamat gid ako sa mga Aklanon nga proud gid kakon," dagdag pa niya.##
- Kasimanwang Darwin Tapayan / Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment