Tuesday, November 20, 2018

MGA KASO KRIMINAL LABAN KINA GOV. MIRAFLORES AT ASAWA, DINISMIS NG SANDIGANBAYAN

DINISMIS NG Sandiganbayan ang mga kaso kriminal na isinampa laban kay Gov. Florencio Miraflores at asawa na si dating Ibajay mayor Lourdes Miraflores dahil sa inordinate delay.

Ang mag-asawang Miraflores ay kinusuhan dahil sa umano’y hindi wastong pagdeklara ng Statements of Assets, Liabilities, and Net Worth mula 2006 hanggang 2009. Sinasabing hindi nila idineklara ang pagmamay-ari ng ilang sasakyan at cash investment sa rural bank.

Subalit sa desisyon nitong Nobyembre 14 ipinunto ng Sandiganbayan 2nd Division na ang preliminary investigation stage lamang ay inabot na ng tatlong taon at tatlong buwan sa kabila ng "readily available" evidences.

Sinasaad na ang Section 3, Rule 112 of the Revised Rules of Court na ang Office of the Ombudsman ay dapat magsagawa ng preliminary investigation ng mga reklamo kriminal "more or less" 45 days.

"Applying the above-cited factors to these cases, it is evident that the constitutional right to the speedy disposition of cases of accused Florencio and Lourdes have been violated, hence the same should be dismissed," sinabi ng anti-graft court.

Nabatid na hindi ito ang unang kaso na dinismis ng Sandiganbayan dahil sa inordinate delay. Daan-daang kaso na ang naibasura kabilang ang mga high-profile kagaya ng mga kaso kaugnay ng fertilizer fund scam.##

Sandiganbayan Decisionn here >> http://sb.judiciary.gov.ph/…/K_Crim_SB-18-CRM-0454-0457_Peo…

No comments:

Post a Comment