Tuesday, September 18, 2018

PLANONG PAG-DEVELOP NG PRIBADONG GRUPO SA CAGBAN JETTY PORT SA BORACAY APRUBADO NA

INAPRUBAHAN NA ng Sangguniang Panlalawigan ang planong pag-develop ng pribadong grupo sa Cagban Jetty Port sa Isla ng Boracay.

Isang resolusyon ang pinasa ng Sanggunian na nagbibigay otoridad kay Gov. Florencio Miraflores na lumagda sa Lease and Development Agreement sa Mabuhay Maritime Express Inc. kaugnay sa nasabing proyekto.

Una nang naireport na mag-iinvest umano ng Php180 million ang grupo ng negosyanteng si Lucio Tan para sa development ng nasabing port sa pamamagitan ng Public-Private Partnership.

Maglalagay umano ng 2nd floor ang kompanya sa jetty port kung saan uupuhan nila ang 1596.15 sq meters ng port kapalit ng Php125 per square meter bawat buwan sa loob ng 25 taon.

Sa kabilang banda, mag-ooperate ng dalawang ferry mula Pook, Kalibo patungong Cagban ang parehong kompanya.

Nabatid na ipagpapatuloy parin ng gobyerno probinsiyal ang koleksyon ng terminal fee at ng munisipyo ng Malay ang koleksiyon ng environmental fee.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment