SUMUGOD SA tanggapan ng Department of Agrarian Reform (DAR) - Aklan ang mga apektado ng Kalibo International Airport Expansion kaugnay ng kabayaran sa kanilang mga lupa.
Inabot pa ng alas-8:00 ng gabi sa tanggapan ng DAR ang ilang mga land owners at tenant na nagsimulang sumugod sa tanggapan ala-1:00 ng hapon.
Ayon kay German Baltazar, presidente ng Nalook-Pook-Caano-Estancia (Napocacia) Small Farmers and Homeowners Association, nasa 80 katao ang sumugod sa tanggapan ng DAR.
Panawagan nila na taasan ang financial assistance katumbas ng disturbance compensation. Nagulat kasi ang mga apektado na sa halip na disturbance compensation ang ibayad sa kanika ay financial assistance nalang na mababa kumpara sa inaasahan nila.
Nabatid na nagkaroon pa ng mainitang pagtatalo ang presidente ng Napocacia at ang legal officer ng DAR na si Dominador Briones.
Hindi kumpormi sa paliwanag ng DAR ang mga apektado ng phase I, II, at III ng airport expansion mula sa mga kabarangayan ng Brgy. Puis, New Washington; mga Brgy ng Nalook, Pook, Tigayon, Caano, at Estancia, Kalibo.
Minabuti ng DAR na irefer ang reklamo ng mga apektado sa project manager sa Aklan Provincial Capitol para sa isang dayalogo para talakayin ang pagbuo ng Social Development Plan.
Ipapatawag sa nasabing dayalogo ang mga kinatawan ng iba-ibang ahensiya ng gobyerno para matugunan ang reklamo ng mga apektadong tenant at mga may-ari ng lupa.##
- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment