Thursday, September 20, 2018

AKLANON BUS DRIVER PINARANGALAN NG LTFRB DAHIL SA PAGSAULI NG PHP200K CASH SA ISANG KOREANO

PINARANGALAN NG Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) 7 ang Aklanon tourist bus driver na si Ricardo Ratay dahil sa kanyang katapan.

Matatandaan na unang naibalita sa Energy FM Kalibo na ang 44-anyos na driver na taga-Kinalangay Viejo, Malinao ay nagsauli ng nasa Php200,000 na pera ng Koreano niyang pasahero.

Setyembre 3 nang makita ni Ratay ang wallet ng dayuhan sa kanyang menamanehong coaster. Ang foriegner ay nagbabakasyon sa Bohol kasama ang asawa kung saan nangyari ang insidente.

Agad na inireport ni Ratay ang insidente sa kanyang supervisor na si Daniel Pastrana para makontak ang foriegner bagay na naibalik sa may-ari na si Mark Dae Hyun ang nasabing wallet.

Bilang pasasalamat binigyan ng dayuhan ng Php1,000 ang coaster driver na pansamantalang inilipat ng Southwest sa Bohol mula sa Aklan dahil sa pagsasara ng Isla ng Boracay.

Nitong Lunes iginawad ni LTFRB 7 Director Eduardo Montealto Jr ang certificate of commendation sa Aklanon driver bilang pagkilala sa kanyang katapatan.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment