Friday, August 24, 2018

STAFF SA PROVINCIAL HOSPITAL INIREKLAMO NG GWARDIYA MATAPOS SIYANG MURAHIN, TANGKANG SUNTUKIN

NAGREKLAMO SA kapulisan ang isang guwardiya sa provincial hospital makaraang murahin umano siya at tangkang suntukin ng isang staff sa dental clinic ng parehong ospital.

Salaysay ni Archie CaƱete, 38-anyos, residente ng Brgy. Tigayon, Kalibo naganap ang insidente umaga ngayong araw ng Huwebes sa entrance ng ospital.

Reklamo ng guwardiya, dumating umano si Larry Gerardo at pinagwikaan siya ng "ang sama ng tingin mo sa akin. Gag* ka!" nang walang malamang dahilan. Tinangka pa umano siyang suntukin.

Hindi umano ito pinansin ng guwardiya sa kabila na napahiya ito.

Kinuwento pa niya na noong Agosto 17, habang nag-aassist siya ng trapiko sa harap ng Emergency Room pinituhan di umano niya ang isang tricycle kung saan sakay si Gerardo. Nagalit umano ang hospital staff at nagsabing “bil*t in* mo ka ha! Dali lang ay mabalik ako!"

Makaraang magtime-in si Gerardo binalikan umano niya ang nagrereklamo at dinuru-duro sinasabing “ayusin mo ang trabaho mo dito!”

Inirefer ng Kalibo PNP ang kaso sa pamunuan Dr. Rafael S. Tumbukon Memorial Hospital.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment