NAGBABALA MULI ang Kalibo Police Station sa mga nagmamay-ari ng baril na walang mga kaukulang dokumento na maaari silang isailalim sa police operation.
Ito ang sinabi ni PCInsp. Kenneth Paniza, deputy chief, araw ng Huwebes kasunod ng pagkaaresto ng isang negosyante na napag-alamang nangangalaga ng baril nang walang mga kaukulang dokumento.
Aniya, ilang nagmamay-ari na ng baril ang "kinatok" ng kapulisan sa Kalibo upang hilingin na isurender ang kanilang mga armas habang pinalalakad ang mga kaukulang dokumento.
Mahigpit ngayon ang kampanya ng kapulisan sa buong rehiyon sa kanilang "Tokhang Kontra Ginadumilian nga Pusil" na kapag nagmatigas ang gun holder na isurender ang kanyang baril ay idadaan ito sa kamay na bakal.
Posibleng serbehan ng search warrant ang gun holder at arestuhin. Kaugnay rito nanawagan si Paniza ng kooperasyon sa mga nagmamay-ari ng baril para hindi sila maharap sa kaukulang kaso.##
- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment