Friday, August 24, 2018

HOSPITAL STAFF PINABULAANAN ANG ALEGASYON NG GUWARDIYA

PINABULAANAN NI Larry Gerardo, hospital staff ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital ang alegasyon na minura at tangka niyang suntukin ang guwardiya na si Archie Cañete.

Ayon sa dental aide dumating umano siya sa entrance ng ospital na masama ang tingin sa kanya ng guwardiya at pinagsabihan niya ito. Hindi umano totoong nagtangka siyang suntukin si Cañete.

Naganap ang insidente umaga ng Huwebes. Ang pangyayari ay ipinarekord ng guwardiya sa Kalibo police station.

Paniwala ni Gerardo, nag-ugat ang sama ng loob ng guwardiya sa kanya noong Agosto 17 nang pababa na siya sa tricycle sa harap ng Emergency Room ng ospital.

Muntikan na umano siyang madisgrasya nang pag-apak ng kanyang isang paa mula sa tricycle para bumababa ay biglang pinituhan ng guwardiya ang tricycle dahilan para umarangkada ito.

Maswerte aniyang nakahawak siya sa bubong ng tricycle at pagbaba ay kinompronta niya ang guwardiya. Sabi umano ng guwardiya sa kanya bawal ang bumaba doon.

Katwiran naman niya bakit hindi sinita ng guwardiya ang mga kotse na nagpapark doon sa lugar. Sinabihan umano niya ng guwardiya na ayusin ang kanyang trabaho.

Ipanarekord narin niya ang kanyang bersiyon sa Kalibo PNP Station habang ang kaso ang inirefer ng kapulisan sa pamunuan ng ospital.##

- Darwin Tapayan, EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment