Maghahanap ang Boracay Inter-Agency Task Force ng mga alternatibo sa mga “fire dance” sa isla kapag muling binuksan sa publiko sa Oktubre.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Environment Secretary Roy Cimatu na gaas ang ginagamit sa mga fire dance na pollutant o maaaring makasira sa magandang buhangin ng Boracay island.
Sa ngayon, ang task force ay hahanap ng alternatibo na mas ligtas at kumpara sa fire dance at magiging parte ng rebranding ng Boracay.
Kilala ang isla sa buong mundo hindi lamang sa ganda nito kundi sa mga mahuhusay na performers ng mga fire dance.
Kaugnay nito, nilinaw ni Cimatu na pwede pa ring mag-party ang mga turista sa Boracay.
Pero ayon sa kalihim, lilimitahan ang partying sa loob ng hotels o restaurants lamang at ipagbabawal na sa mismong beach o dagat.
Ang mga ito ay paraan upang mapangalagaan ang Boracay mula sa matinding kalat na naidudulot ng pagpaparty, bukod pa sa ingay.
Pinaplantsa na ang polisiya hinggil dito, ani Cimatu, na ipapamahagi naman sa hotel and restaurant owners.##
- Radyo INQUIRER
No comments:
Post a Comment