Monday, August 20, 2018

BAHAY SA MALINAO NATUPOK NG APOY

photo © BFP-Numancia
Natupok ng apoy ang isang bahay sa Brgy. Liloan, Malinao hapon ngayong araw ng Lunes.

Ang bahay ay pagmamay-ari ni Romeo Villaresto, 53-anyos, may live-in at residente ng nasabing lugar.

Mabilis na natupok ang bahay na yari sa mga light materials. Nagkataon na walang tao rito.

Nasaksihan ito ng kapitbahay at humingi ng tulong sa mga taga-roon at sa mga otoridad.

Sa imbestigasyon ni FO1 Enrico Nam-ay ng Numancia Bureu of Fire Protection (BFP), pinaniniwalaang nagmula ang sunog sa napabayaan apoy sa kalan.

Aminado ang 19-anyos na si Melvin, manak ng may-ari ng bahay, na bago ang insidente nagpakulo siya ng tubig at iniwan ito para magbasketbol.

Tinatayang Php30,000 ang pinsalang dulot ng nasabing sunog. Pansamantalang makikituloy ang pamilya sa kanilang kapitbahay.##

- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo

No comments:

Post a Comment