NAALALA NIYO pa ba ang batang ito? Siya si John Aaron Colico ng Brgy. Bulwang, Numancia.
Matatandaan na noong Nobyembre 2017 nang dumulog sa himpilang ito ang ina niya na si Maribel na humihingi ng tulong na mapagamot ang kanyang anak.
Ang sanggol ay may butas sa puso o congenital heart disease at kailangan umanong ipaopera sa Manila o kung hindi maagapan ay posibleng makaapekto sa kanyang utak.
Sa tulong ng Energy FM Oplan Tabang ay nakalikom ng pera mula sa mga supporters at tagapakinig ng himpilang ito at nakaluwas patungong Manila ang pasyente kasama ang kanyang mga magulang buwan ng Enero.
Sumailalim si baby Colico sa intensibong paggamot sa Philippine General Hospital at na-confine doon sa loob ng halos isang buwan.
Natuklasan rin na may tubig ang ulo ng bata at may Pneumonia.
May mga indibidwal at grupo rin na tumulong sa kanila pagdating roon sa Manila.
Makalipas ang nasa anim na buwan, nitong araw ng Martes ay nagpost sa FB ang kanyang tito na si Arci Retiro kung saan makikita sa mga larawan na masaya at malusog na ang bata. | EFM Kalibo
No comments:
Post a Comment