Pinag-aaralan na ngayon ng Sangguniang Bayan ang pagpaparusa sa mga magulang sa isinusulong na bagong curfew ordinance ng Kalibo.
Nabatid na sa isinusulong na ordenansa kapag ang bata ay lumabag ng makatlong beses o mahigit ay parurusahan na ang magulang.
Ayon sa mga lokal na mambabatas ang isinusulong na bagong ordenansa ay base sa rekomendasyon ng Kalibo Municipal Police Station.
Ang umiiral na curfew ordinance sa kabiserang bayang ito ay base pa sa municipal ordinance no. 045 series of 1994.
Nakasaad rito ang pagbabawal sa mga 18-anyos pababa na pagala-gala sa mga lansangan at mga pampublikong lugar sa buong bayan mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling araw.
Pinahihintulutan sa nasabing batas ang mga lehetimong lakad kasama ang mga magulang o guardian na nasa legal na na edad.
Taong 2007 ay isinulong rin sa Sanggunian ang pagpapalit sa nabanggit na ordenansa pero hindi rin naisakatuparan dahil sa hindi umano ayon sa "Pangilinan Law" ang ilang probisyon nito.
Magpupulong pa ang Sanggunian kaugnay sa isinusulong na bagong lokal na batas.
Hihingin pa nila ang legal opinion ng ilang abogado at maging ng prosecutor bago isalang sa pagdinig ng publiko.##
- Darwin Tapayan, Energy FM Kalibo
No comments:
Post a Comment