Thursday, August 09, 2018

GROUNDWATER SA BORACAY POLLUTED PARIN AYON SA ENVIRONMENTAL MANAGEMENT BUREAU

Contaminated parin ang groundwater sa Isla ng Boracay ayon sa Environmental Management Bureau (EMB)-6 ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Sa report ng pahayagang Daily Guardian, sinabi ni EMB-6 legal chief Ramar Niel Pascua na as of June ang coliform level sa tatlong kabarangayan ng Isla ay mataas parin sa standard na 100 most probable number (MPN) per 100 milliliters (ml).

Ang Brgy Yapak ay nakapagtala ng tinatayang 400MPN per 100ml samantalang Manoc-Manoc at ang Balabag ay may mahigit 1,000MPN per 100 ml kada isa.

Sa kabila nito sinabi ni Pascua na ang mabuting balita ay bumaba ang contamination simula nang sumailalim sa rehabilitasyon ang Boracay.

Aniya matagal nang problema ang groundwater contamination sa Isla. Simula 2001 ay pinagbawal na ng National Water Resources Board (NWRB) ang paggawa ng balon at pagkuha ng tubig dito.

Kabilang sa mga dahilan ng kotaminasyon ay ang mga untreated wastewater ng mga establisyemento at ang mga dumi ng tao sa mga wetland na dumidiretso sa mga ilog o sapa.

Simula nang isara ang Boracay noong Abril 26, naghigpit na ang EMB sa mga establisyemento na siguruhing nakasarado ang kanilang mga septic tanks. Humingi na rin sila ng tulong sa Department of Health para matugunan ang suliraning ito. | EFM Kalibo

No comments:

Post a Comment